"I hereby declare the State under Martial Law."
-Ferdinand Marcos
Tatlumpu't apat na taon na ang nakalipas mula nang dumaan ang mamamayan sa kamay ng isang diktatura. Sa pagdeklara ni Pres. Marcos ng Martial Law, nawala ang demokrasya sa Pilipinas.
Samu't saring kaguluhan at karahasan ang nangyari sa ating bayan. Binahiran ng kanyang Tyranny ang kalayaan ng bawat mamamayan. Marami ang nabura dito sa mundong kinatatayuan natin dahil sa kani-kanilang prinsipyong ipinaglaban.
Ngunit hindi pa rin natinag ang mga taong nagnais ng pagbabago at gumawa pa rin sila ng mga hakbang upang tuluyan nang mapatalsik sa pwesto ang noo'y presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos.
At nagwakas na nga ang halos dalawampung taong diktatura ni Marcos sa pamamagitan ng makasaysayang EDSA Revolution I noong Pebrero 24-25, 1986.
Tatlumpu't apat na taon. Kumusta na nga ba tayo ngayon?
Para dun sa mga taong nagbuhos na kanilang luha, pawis at dugo, hindi pa rin naghihilom ang sugat at patuloy pa ring lumalaban.
Para naman doon sa mga nagbasbas sa pamamagitan ng kani-kanilang panalangin, natapos na. Natapos na rin ang pang-aalipin ng isang agila.
E paano naman para sa bagong henerasyon?
Eto. Hati.
May mga kabataang sumasaludo sa kabayanihan ng mga nagpursige na mawakasan ang diktatura ni Marcos at nagsisilbing inspirasyon ang mga ito para sa pakikipaglaban tungo sa demokrasya.
May mga kabataang tila bahagi na lamang ng kasaysayan ang kaganapan noong Marcos Regime at mas nagbibigay na lamang ng importansya sa ibang mga bagay na walang kinalaman dito.
At mayroon namang mga kabataang nagbubulag-bulagan sa mga pangyayari sa ating bayan at nakikisunod na lamang sa agos ng makamundong buhay.
Ikaw sino ka sa mga kabataang ito?
Tatlumpu't apat na taon na pakikipaglaban.
Tatlumpu't apat na taong pakikibaka.
The legend lives on, ika nga.
jueves, septiembre 21, 2006
RP at Thailand: Salamin ng Katiwalian
Thailand: Land of the free.
Martes, Setyembre 19. Nagdeklara ang pinuno ng Armed Forces ng Thailand na si General Sonthi Boonyaratglin ng isang kudeta laban kay Prime Minister Thaksin Shinawatra dahl umano sa lantarang katiwalian, [andaraya sa eleksyon, pang-aabuso ng kapangyarihan, atbp. Nagsanib-puwersa ang mga sundalo at ang mamamayan ng Thailand na kontra kay Shinawatra upang patalsikin na ito sa puwesto. Napaligiran na ng mga sundalo ang mga siyudad sa Thailand upang mapanatili ang kapayapaan sa nasabing lugar. Nagdeklara na ng Martial Law ang puwersa ng Armed Forces at humihingi na ng basbas ng kanilang hari na si His Majesty King Bhumibol Adulyadej at nangakong ibabalik din ang demokrasya sa mga tao. Samantala, kasalukuyang nasa ibayong dagat si PM Shinawatra para sa pakikipag-ugnayan sa mga foreigners patungkol sa foreign relations nito at naghayag na kontrolado pa rin ng kanyang gobyerno ang sitwasyon sa kanyang lugar. Sa kasawiang-palad, pinutol ang broadcast nito.
Makailang ulit na ring nangyari ang Coup 'de Tat na ito, kaya hindi na rin nakakagulat na mabalitaan pa ito.
Hanga ako. Ninanais ng mamamayan ang pagbabago at hindi na sila nag-atubiling magkaisa. Kaya't hindi na rin nakapagtataka na bansagan silang "Land of the Free People".
At ano naman ang kinalaman nito sa Pilipinas?
Malaki. At hindi nalalayo ang sitwasyon ng Thailand dito sa Pilipinas.
Ngunit iginiit ng Malakanyang na huwag ikumpara ang Thailand sa Pilipinas dahil malayong-malayo umano ang kalagayan nila sa atin. At isa pa, siniguro ng AFP na nananatili pa rin di umano ang katapatan nila sa gobyerno.
Ayun ang nakikita nila. E ang nakikita ng mamamayan?
Kahit saan pang anggulo ang tignan natin, hinding-hindi talaga nalalayo ang sitwasyon ng Thailand sa Pilipinas. At hinding-hindi rin nalalayo na maaaring mangyari dito ang nangyayari sa kanila ngayon KUNG magkakaisa ang bawat Pilipino tungo sa pagbabago.
Makikita rin dito na HINDI solusyon ang pagpapalit mula sa Presidential tungo sa Parliamentary bilang sistema na ating gobyerno dahil isinasalamin na ng Thailand ang mga posibleng kahihinatnan nito.
Kung akoang tatanungin, pabor din naman ako sa Parliamentary form of government NGUNIT hindi sa henerasyon na ito dahil naniniwala ako na gagamitin lamang itong stratehiya ng mga mapang-abusong namumuno para lamang sa kanilang pansariling interes.
-Ayn Rand

"The man who refuses to judge, who neither agress nor disagrees, who declares that there are no absolutes and believes that he escapes responsibility, is the man responsible for all the blood that is now being spilled in the world."
-Ayn Rand
miércoles, septiembre 20, 2006
ang naidudulot ng lumilipad na diwa. (and all that wet, wet, WET thang!)
Oo. Ka-stress nga 'tong mga nagdaang araw. Syempre, malapit na naman ang finals... kaya ngaragan na naman ang lahat. Including me. Ayun.
At ang naiidudulot ng diwang naglalakbay?
Tapilok in front of the madlang people.
Last Monday. I was about to go home cuz I still have a lot of school works to finish, (galing akong library nun..) then, when I passed by Concepcion St., wAlaAh!! Tapilok ang lolah nyo. (Samahan nyo pa ng halimuyak ng calamares)
Kakahiya nga eh!
Pero syempre, pinairal pa rin ang POISE ng lolah niyo (lalo pa't wala akong kasama) at dumerecho ng lakad.
Pero sa diwa ko... "Arrrrruuuy... ang sakit ng heels ko! At yung makinis kong legs. Nagasgas na!!!" (ang kapal naman ng mukha ko! hehe.)
Tapos. Syempre sumakay na ako ng jeep pauwi.
Tapos. Nung malapit na ako sa amin,
w0o0o0o0o0ohHhSsSshHhHhHh............
Humagulgol na naman si Bathala.
At syempre, ang mabait na bata, hindi nagdadala ng payong. Kaya...
Pag-uwi ng bahay, basang sisiw. b0w.
Tuesday. Uhm... Ala namang masyado. Pero syempre, hindi pa rin mawawala ang ka-STRESH na araw dahil ngaragan pa sa pagrereview ng lessons dahil quiz sa History. Kainis nga eh! Bakit pa kasi nagtiyaga pa akong maghintay diyan sa lintak na kurtina na yan eh! (Well, hindi naman ako makatanggi ke tito/tita/lolah Ferdie kaya ala ding nagawa..) Ayan tuloy. Hindi nakacatch-up sa lessons. Kaya ang resulta:
Lagapak. Bagsak. Kawawa.
Juice ko naman kasi, babagasak na nga lang, dun pa sa naturingang "fave" subject.
Oh well, quiz lang naman yun. Pero nakakadisappoint lang. Haaay.
Wednesday. As in today. Ayun, same old day na hindi gaano. Accreditation week eh! Kaya todo pa-impress... este, preparations ang madlang AB para sa mga accreditors na hindi mo naman maitindihan kung saang lupalop ng kagubatan ng eskuwelahan nanggaling. Ika nga ni Dr. Vasco, "ba't pa iaaccredite ang USTE, e hindi naman tayo nalalyo sa UP?" Hmmm... :o
Ayun. Pa-good shot.
Kakatawa nga sa Natsci kanina eh!
Syempre pa-impress, ika nga. Kaya pa-impress din naman ang pa-cute naming propesor. (wag niyo kong isusumbong ha!? chu-chu ko lang 'yun. hehe.) Yung tipo ba na halos pumutok na yung BIG belly (take note: BUDDHA) niya sa sobrang (nga ba?) kaba. Hindi mo maintindihan kung anong spiritung ewan ang sumapi sa kanya. Pero 'di rin naman nagtagal yung accreditor. Paglabas niya, para lang naman kaming mga bata na nakalusot sa palusot sa mga magulang... lalo na siya. (I think). Pero in fairness ha!? gusto ko yung background music nung isa niyang presentation (the first one).
Ayun.
GRABE. Luwa na talaga eyebags ko. Bakit kaya sa tuwing dumadaan ang finals eh nagkakanda-ngaragan na ang lahat? Including me.
Survival? Probably.
Suicidal? For me, DEFINITELY.
Dahil pag nagpabaya pa ako, ala na. Bye bye sayonara USTe na ako.
Kawawa naman ako. Baka pulutin na lang ako sa kangkungan.
(Hindi ako nagseself-pity hah?! Hehe.)
Ala lang. Nagchika lang. Nonsense.

lunes, septiembre 18, 2006
Kawawang Inang Bayan . . .
Oo. Sa kabila ng lahat ng efforts ng gobyerno upang mapalago ang ating ekonomiya, e tila lalo lang lumalala ang sitwasyon nito.
Ang dahilan: ang GARAPAL na kurapsyon ng mga ganid na pulitiko.
Dada sila ng dada na maki-isa ang bawat mamamayan para sa ikauunlad ng ating bansa, eh sila naman itong walang habas na dumadakma sa kayamanan ng bayan.
Wala rin naman sigurong saysay ang ginagawang "pagpupursige" ng ating mahal na pangulo kung SIYA (kung di man, yung magaling niyang asawa) mismo ang humahakot ng pinaghirapan ng mga Pilipino.
Base sa survey, bumaba sa 37.4% nitong 2005 mula sa 50.5% noong 1998 ang ranggo (tama ba word ko?) ng Pilipinas sa kampanya ng gobyerno laban sa kurapsyon.
Isang mensahe:
Kung mangangampanya kayo laban sa kurapsyon dito sa Pilipinas, maigi-igi siguro na TUMINGIN MUNA KAYO SA MGA SARILI NINYONG SALAMIN bago pa kayo magdada ng magdada dyan. Isipin niyo naman ang bawat Pilipinong halos mamatay na sa gutom sa SOBRANG kahirapan na nagaganap ngayon dito sa ating bayan.
Makonsensya naman kayo!
Hahahahaha!
Kaawa-awang Pilipinas.
Lumulubog na.
(Pero wag mawalan ng pag-asa! Makakabangon pa tayo.)
(Di nga lang sa henerasyon na 'to.)
Tsk... tsk... tsk.
[but in fairness, mrs. president does well in some economic aspects. no wonder that she's an economist. on the contrary, she overjoys her role being the "mother of the state". too bad.] *_*
[bago tumaASS yung presyon ng dugo niyo, maghulus-dili (tama ba?) muna kayo. hindi ako ganoong katanga para hindi ko malaman ang katamaran ng mga iba nating kababayan kaya hindi umuunlad. ang punto ko dito, dahil na rin sa ipinapakita ng ibang namumuno sa ating gobyerno e tila nawawalan na ng pag-asa ang ibang mamamayan upang makapagsimulang bumangon. at isa pa, hindi ko naman nilalahat eh! think about it. bottomline is, OPINYON KO LANG ITO. get it?] *chill* ;p

wala akong maisip na title. -^-
Sa wakas. Nabawasan din ang sakit ko sa ulo sa lintak na English na yan.
Pero syempre, hindi magiging posible ito kung hindi na rin sa mga awa at effort ng mga sumusunod:
**(ate) Joanna Parungao (salamat sa pasensya mo. c:)
** Sharyn Placido (salamat sa mga advices mo)
** Kevin Dumpit
** K-Ann Domingo
** Miguel De Dios
** Lambert Santos
...at sa iba pa na naawang magdonate ng premises para sa kaawa-awang chart ko sa English.
Pagpasensyahan niyo na ang lolah nyo, natutuwa lang talaga ako. Ayaw talaga kasi gumana ng utak kong kinakalawang eh!
Pero... pero... pero.
Wala pa ito sa kalingkingan ng DAMI ng paper works namin sa school.
Grabe. Nosebleed.
Hehe.
Waah.
T_T

martes, septiembre 12, 2006
Subic Rape Case
Kahapon nga lang ay nagbigay na ng unang testimoniya si Lance Corp. Daniel Smith, ang pangunahing suspek sa kontrobersyal na "Subic Rape Case".
Taliwas ang kanyang pahayag sa mga pahayag na biktimang si "Nicole".
Bersyon ni Smith:
Nagkita sila ni "Nicole" sa Neptune Bar, gabi ng Nov. 1 '05.
Nagkakilala at nagkapalagayan ng loob.
Sumayaw sila at matapos noon, ay bumalik na sila sa kanilang mesa.
Nagulat di umano si Smith nang bigla daw kumandong si Nicole sa kanya at tinanong kung pwede daw ba siyang halikan.
Pumayag daw si Smith at matapos ang "flirting moments" nila ni "Nicole" ay inaya daw niya ang dalaga na sumama sa kanila.
Pumayag daw si Nicole.
Ang sabi pa ni Smith ay hindi daw lasing ang dalaga.
Going back...
Pagsakay daw nila ng van ay nagulat umano si Smith ng sabihin ni Nicole na gusto daw niyang makipagtalik sa kanya.
At eto pa...
Tinulungan pa umano siya ni Nicole na magsuot ng condom.
At hindi daw nachi-cheer ang mga kasamahang sundalo ni Smith sa kanya.
Matapos daw ang 3 minuto, nahinto sila ng may 2 pang US marines na gustong makisabay sa kanila.
At dahil umabot na sila ng curfew, kinailangan na daw nila (ng mga sundalo) na bumalik ng barko at nabigong makahanap na taxi pauwi para kay Nicole.
Bersyon ni Nicole:
Nagkakilala sila ni Smith sa Neptune Bar, gabi ng Nov. 1, '05.
Naunang inihayag ni Nicole na kasayaw umano niya ang kanyang step-sister na si Anna Liza Franco at di kalayunan, namalayan na lang niya na si Smith na pala ang kasayaw niya.
Wala di umano siya gaanong maalala dahil na rin sa epekto ng nainom niyang alak.
Ang pagkakatanda na lang niya, namalayan na lang niyang may nagfo-force sa kanya na umalis ng bar dahil sa init sa loob ngunit tumanggi daw siya at sinabing inaantay niya ang kanyang kapatid.
Hindi umano niya natatandaan ang mga sumunod na nangyari.
Ang tangi na lamang daw niya naaalala ay nakapatong na di umano si Smith sa kanya at hinahalikan siya. [w/ background music: men lively cheering down on him... (or them.)]
Ayun.
Pero teka muna... lalo lang atang gumulo ang sitwasyon?
Mahirap magsalita ng tapos, lalo't mas marami pang mga tanong ang umaalingawngaw kesa sa mga sagot na dapat nang maitigil sa isang tabi.
Haay.
Ano... kanino ka papanig?
source: http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=50098
http://subicrapecase.wordpress.com/2006/07/18/32/

sábado, septiembre 09, 2006
Maibabalik Pa Ba ang Ganda?
Guimaras oil spill.
Considered as "the WORST oil spill in the Philippines".
Sabihin na nating aksidente nga ang nangyari, pero dapat pa rin managot ang DAPAT managot.
Sana man lamang magka-isa ang bawat mamamayan para maibalik pa sa dating ganda nito ang Guimaras.
At huwag nang magturuan kung sino talaga ang may kasalanan.
Magtulungan na lang.
Paano kamo?
Sa maraming paraan. Pero sa tingin ko, pinakasimple na ang mapagupit ng kahit 1 inch man lang ng buhok para mai-donate doon.
Hindi mo kaya?
Eto pa ang isa.
Manalangin ka. Ipagdasal mo ang ikabubuti ng Guimaras.
Hindi mo rin kaya?
Hay naku, magpakamatay ka na! Ala ka palang silbi eh! *j0wk*
Ayun.
Oh eto...
Baka sakaling makonsensiya ka pa.

pinagkaitan ng tadhana
Ang saya. Hindi ako pinayagan ni Sir Satoqs.
Ang ganda sana ng topic ko sa English, kaso masyado siyang malawak para sa intellectual capacity ng lolah mo. Papapalitan ko sana, kaso di na daw pwede.
Uumpisahan ko na yung chart ko, at paniguradong kakailanganin ko ng isang balde ng kape.
Lamayan na tsong.
Grabe. Duguan na ng utak to.
Ayun. Bahala na. Bahala na ang spiritu ni Haring Chulalongkorn.
Amen.
nang magbiro ang tadhana at humagulgol si Bathala. *b0w*
Haay... kawawa nga ang lolah mo eh! Biruin ba naman kasi ng tadhana. Ang saya saya talaga!
Kagabi. Sa sobrang pangangarir ko dito sa lintik na blog na toh, inabutan na ko ng malakas na ulan. (wh0o0o0sh!!!!!!) Inakala ko nga nung una eh kung anong ewan lang yung narinig ko (nasa 5th floor ako ng central library nun). Tapos, ma-realize na lang ng baklang toh na isa pala talaga siyang ULAN na di mo maturingan kung anong ewan. Haay. Ala naman, buti na lang kamo at me bitbit na sinelas ang lolah niyo! (w0h0o!) Kaso, mukha namang wa epek yung payong na dala ko. Mantakin niyo ba namang me butas pa pala yun sa gitna. Grabe! In fernesh ha... basang basa lang naman ako pag-uwi ko ng bahay. At sabayan mo pa ng PAGKALAKI LAKI at PAGKABIGAT BIGAT na bag. Wo0h0o.. 'nong say niyo?! Napakasaya diba?
At sabayan pa nga pala ng napakadaling activity sa ENGLISH!!! Grabe... NOSEBLEED!!!! Wahahahaha.... naiiyak na nga ako eh! Parang... parHang... WAAAAAAHHHH!!!! Sana nga lang matapos ko 'toh. At sana makita ko si Sir Satoqs ngayon. Amen.
Ahahahaha.... Tinotoyo na naman ako. Nyahahahaha... Tinatamaan na naman ako dun sa "abonormal" na iyon. Ba't pa kasi nagustuhan ko pa yun bakulaw na iyon eh. Eh SUPER feeling naman 'yon. Bwaahahahahahaha!!!!!!!!!!! :(
Wala lang. Nonsense lang.

viernes, septiembre 08, 2006
Paghukay sa Diwa ng Himala -- sa Isip, sa Salita at sa Gawa
(3rd paper ko sa Filipino. Ala lang. Feel ko lang i-post. Jejejeje... ;p)
Kailangan pa nga ba natin ng isang bayani?
Isang bayaning magliligtas sa atin sa tuwing sasalakay ang lupon ng kasamaan?
Iyan ang kinatawan ng isa sa maituturing "alamat" -- si Bernardo Carpio. Kagaya ng ibang mga superhero na napapanood natin sa telebisyon, isa siya sa pinagkakatiwalaan ng mga tao sa mga panahong dumadating ang liga ng kadiliman. Ngunit dahil sa isang pagkakataong siya'y iginapos, itinago sa isang liblib na lugar, nabuhay ang mga tao sa takot at pag-asang balang araw ay maililigtas pa rin sila sa tiyak na kapahamakan. The legend lives on, ika nga.
Ipinakikita sa dulang "Walang Himala" ang diwa ng pag-asa at nasyonalismo sa puso ng mga karakter nito. Sinasalamin ng bawat karakter ang katayuan ng bawat Pilipino sa kasalukuyan. Base sa mga karanasan nila sa buhay, ipinadarama nila ang nais nilang sabihin, ipinararating nila ang hinaing ng bawat mamamayang Pilipino hindi lamang sa ating gobyerno kungdi pati na rin sa bawat isa sa atin.
Kagaya na lamang ng karakter na si Edgar. Sumasalamin sa kanyang karakter ang estado ng mga OFW na itinuturing ng karamihan na "bayani". Dahil sa kagustuhan niya na maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan, isinakripisyo niya ang kanyang sarili sa Italya para lang makapagpundar siya ng kahit kaunti para sa ikauunlad ng kanyang pamilya. Ngunit dahil na rin sa katagalan niya doon, nalayo na ang loob ng kanyang pamilya sa kanya. Sa kabila ng lahat, tila nawalan pa ng saysay ang lahat ng pagsasakripisyo ni Edgar dahil bukod sa iniwan na siya ng kanyang asawa, nagdulot pa ito ng galit ng kanyang mga anak para sa kanya. Kaya sa kasawiang-palad, e binawian na siya nga buhay sa isang lugar kung saan wala siyang kakilala, wala siyang karamay sa oras na siya'y nag-iisa.
Sumasalamin naman sa karakter nina Aynong at Marikit ang pag-asa ng bawat Pilipino. Sa kagustuhan ni Aynong ng pagbabago, nilisan niya ang kanyang tribo. Kahit anong impluwensiya ni Marikit na huwag siyang tumuloy e hindi ito naging hadlang kay Aynong upang tuparin niya ang kanyang mga pangarap para sa tingin niyang makabubuti sa kanyang bayan.
Iilan lamang silang nabanggit sa mga karakter sa dula, ngunit kagaya nga ng nabanggit, kinakatawan ng bawat karakter ang katauhan ng bawat isa sa ating mga Pilipino sa ngayon. Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok -- ang Marcos Regime, ang EDSA I Revolution (kung saan naipakita dito ang diwa ng Nasyonalismo ng bawat Pilipino), ang Ramos, Erap at PGMA Administration, at marami pang iba, hindi pa rin nawawala sa ating kamalayan ang pag-asang makakabangon pa rin tayo sa kumunoy ng kasakiman.
Labis-labis ang ating paghahangad sa pagbabago. At dahil dito, naimulat na rin natin ang ating mga puso't diwa upang tayo na mismo ang kumilos. Hindi na natin hinayaan na masayang lang ang ating oras sa paghihintay ng pagkilos ng iisa lamang bagkus, kinatok na natin ang ating kamalayan para isupil na ang mapanirang paghahangad ng iilan para sa kanilang pansariling interes.
Naniniwala akong mayroong himala. Pero kung tatanungin mo ko kung saan at paano natin makakamit ito, nasa ating mga puso -- iyan ang sagot ko.
_090606_

Makakabangon Pa Nga Ba? (part ii)
Hindi ako tutol sa pagsulong ng Charter Change. Ngunit tutol ako sa di makatarungang proseso nito.
Para sa akin, wala naman sigurong masama kung nagnanais ang iilan ng mga pagbabago. Pero sana ang mga hangaring ito ay para sa IKABUBUTI NG BAYAN, HINDI SA IKABUBUTI NG IILAN.
Sa tingin ko rin naman, may iilang nakasaad sa saligang batas na nararapat na ngang amyendahan. Dahil kung tutuusin, hindi na rin umaakma ang iilan dito.
At anu-ano naman ba kamo 'yun? Isipin mo. Pag-aralan mo.
Kasi ako, napagtanto ko na rin 'yun.

Bastusan Na!!!
Kamakailan nga lang ay inihayag na ng Senado na ipapaaresto na nila ang mga opisyales na hindi sumisipot sa mga pagdinig nito.
Opo. Ipaaaresto na nga nila ang mga taong sa tingin nila ay bumabastos sa kanilang kapangyarihan.
Eh kung di ba naman kasing isang damukal na ganid ang mga nagpatupad (not to mention "her excellency" PGMA) ng mga panukalang gaya ng EO464 at MC108, di na nakakapagtaka na mangyayari nga ito.
O hindi naman kaya may itinatago ang mga opisyales na ito na "baho" kaya natatakot sila na sumipot sa mga hearings nito?
Diba? Eto na lang eh. Bakit hindi sila magpakita ni anino man lang KUNG wala naman talagang masamang itinatago ang mga opisyales na ito?
Kung wala talaga silang kasalanan, panindigan nilang malinis ang kanilang pangalan. Diba? Diba?? Diba???
Kaya nababalewala na ang kapangyarihan ng Senado eh. Kaya isinisulong na ng iilang ganid na pulitiko ang pagaabolish dito.
Kawawang hurisprudensiya. Nawawalang saysay na.
Tsk. Tsk. Tsk...

martes, septiembre 05, 2006
Makakabangon Pa Nga Ba?
Napipinto na nga ang pagtapak sa ating kalayaan.
Sa tingin niyo, ano nga ba ang kahihinatnan ng pagsulong ng Charter Change na 'yan?
Ngayon nga lang na nagkakandayaan na sa pagsulong nito, paano pa kaya kung maipatupad na ito?
Ala na. Lalo lang lulubog ang 'pinas sa tiyak na kahirapan dahil sa kasikiman ng mga "walang pusong" pulitiko na yan.
Sa halip na gumawa sila (o tayo) ng paraan para nalagay sa ayos ang ating bayan,
e mukhang lalo lang itong malalagay sa alanganin.
tsk. tsk. tsk.
Paano na yan?

domingo, septiembre 03, 2006
Tingala
Nakalulunos pagtantuhin ang mga nangyayari sa ating bayan ngayon. Samu't saring problema ang dumadaloy sa agos ng pagsupil ng kasakiman. Kung minsan, gusto na nating sumuko dahil iniisip natin na wala naman silbi ang nasa itaas.
Wala nga ba?
Ako nga rin, minsan gusto ko nang sumuko.
Pero di kalayunan, isang katok ang gumising sa natutulog kong diwa.
"Ano ka ba? Ngayon ka pa ba susuko?"
"Baka nakakalimutan mo, kungdi dahil sa Kanya, wala ka sa mundong kinatatayuan mo."
Oo nga. Tama Siya.
Pananampalataya -- ito lang ang tangi kong sandigan sa LAHAT ng bagay.
Iisipin niyo siguro na wala sa karakter ko ang pagiging religiosa (o spiritwal, kung mas aakma.)
Pero kahit ganito ako, masasabi kong isa pa rin akong alagad Niya.
Dahil nagtitiwala ako sa Kanya.
At sa mga dagok sa buhay ng bawat isa, ng bawat lipunan...
Alam ko na may dahilan ang lahat.
Magtiwala lang tayo sa Kanya, ika nga. :)

Suscribirse a:
Entradas (Atom)