Nakalulunos pagtantuhin ang mga nangyayari sa ating bayan ngayon. Samu't saring problema ang dumadaloy sa agos ng pagsupil ng kasakiman. Kung minsan, gusto na nating sumuko dahil iniisip natin na wala naman silbi ang nasa itaas.
Wala nga ba?
Ako nga rin, minsan gusto ko nang sumuko.
Pero di kalayunan, isang katok ang gumising sa natutulog kong diwa.
"Ano ka ba? Ngayon ka pa ba susuko?"
"Baka nakakalimutan mo, kungdi dahil sa Kanya, wala ka sa mundong kinatatayuan mo."
Oo nga. Tama Siya.
Pananampalataya -- ito lang ang tangi kong sandigan sa LAHAT ng bagay.
Iisipin niyo siguro na wala sa karakter ko ang pagiging religiosa (o spiritwal, kung mas aakma.)
Pero kahit ganito ako, masasabi kong isa pa rin akong alagad Niya.
Dahil nagtitiwala ako sa Kanya.
At sa mga dagok sa buhay ng bawat isa, ng bawat lipunan...
Alam ko na may dahilan ang lahat.
Magtiwala lang tayo sa Kanya, ika nga. :)
domingo, septiembre 03, 2006
Suscribirse a:
Enviar comentarios (Atom)
No hay comentarios:
Publicar un comentario