jueves, septiembre 21, 2006

RP at Thailand: Salamin ng Katiwalian

Thailand: Land of the free.


Martes, Setyembre 19. Nagdeklara ang pinuno ng Armed Forces ng Thailand na si General Sonthi Boonyaratglin ng isang kudeta laban kay Prime Minister Thaksin Shinawatra dahl umano sa lantarang katiwalian, [andaraya sa eleksyon, pang-aabuso ng kapangyarihan, atbp. Nagsanib-puwersa ang mga sundalo at ang mamamayan ng Thailand na kontra kay Shinawatra upang patalsikin na ito sa puwesto. Napaligiran na ng mga sundalo ang mga siyudad sa Thailand upang mapanatili ang kapayapaan sa nasabing lugar. Nagdeklara na ng Martial Law ang puwersa ng Armed Forces at humihingi na ng basbas ng kanilang hari na si His Majesty King Bhumibol Adulyadej at nangakong ibabalik din ang demokrasya sa mga tao. Samantala, kasalukuyang nasa ibayong dagat si PM Shinawatra para sa pakikipag-ugnayan sa mga foreigners patungkol sa foreign relations nito at naghayag na kontrolado pa rin ng kanyang gobyerno ang sitwasyon sa kanyang lugar. Sa kasawiang-palad, pinutol ang broadcast nito.

Makailang ulit na ring nangyari ang Coup 'de Tat na ito, kaya hindi na rin nakakagulat na mabalitaan pa ito.

Hanga ako. Ninanais ng mamamayan ang pagbabago at hindi na sila nag-atubiling magkaisa. Kaya't hindi na rin nakapagtataka na bansagan silang "Land of the Free People".

At ano naman ang kinalaman nito sa Pilipinas?

Malaki. At hindi nalalayo ang sitwasyon ng Thailand dito sa Pilipinas.

Ngunit iginiit ng Malakanyang na huwag ikumpara ang Thailand sa Pilipinas dahil malayong-malayo umano ang kalagayan nila sa atin. At isa pa, siniguro ng AFP na nananatili pa rin di umano ang katapatan nila sa gobyerno.

Ayun ang nakikita nila. E ang nakikita ng mamamayan?


Kahit saan pang anggulo ang tignan natin, hinding-hindi talaga nalalayo ang sitwasyon ng Thailand sa Pilipinas. At hinding-hindi rin nalalayo na maaaring mangyari dito ang nangyayari sa kanila ngayon KUNG magkakaisa ang bawat Pilipino tungo sa pagbabago.

Makikita rin dito na HINDI solusyon ang pagpapalit mula sa Presidential tungo sa Parliamentary bilang sistema na ating gobyerno dahil isinasalamin na ng Thailand ang mga posibleng kahihinatnan nito.

Kung akoang tatanungin, pabor din naman ako sa Parliamentary form of government NGUNIT hindi sa henerasyon na ito dahil naniniwala ako na gagamitin lamang itong stratehiya ng mga mapang-abusong namumuno para lamang sa kanilang pansariling interes.







"The man who refuses to judge, who neither agress nor disagrees, who declares that there are no absolutes and believes that he escapes responsibility, is the man responsible for all the blood that is now being spilled in the world."


-Ayn Rand

No hay comentarios: