jueves, septiembre 21, 2006

Pagtanaw sa Kasaysayan ng Martial Law

"I hereby declare the State under Martial Law."

-Ferdinand Marcos



Tatlumpu't apat na taon na ang nakalipas mula nang dumaan ang mamamayan sa kamay ng isang diktatura. Sa pagdeklara ni Pres. Marcos ng Martial Law, nawala ang demokrasya sa Pilipinas.

Samu't saring kaguluhan at karahasan ang nangyari sa ating bayan. Binahiran ng kanyang Tyranny ang kalayaan ng bawat mamamayan. Marami ang nabura dito sa mundong kinatatayuan natin dahil sa kani-kanilang prinsipyong ipinaglaban.

Ngunit hindi pa rin natinag ang mga taong nagnais ng pagbabago at gumawa pa rin sila ng mga hakbang upang tuluyan nang mapatalsik sa pwesto ang noo'y presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos.

At nagwakas na nga ang halos dalawampung taong diktatura ni Marcos sa pamamagitan ng makasaysayang EDSA Revolution I noong Pebrero 24-25, 1986.



Tatlumpu't apat na taon. Kumusta na nga ba tayo ngayon?

Para dun sa mga taong nagbuhos na kanilang luha, pawis at dugo, hindi pa rin naghihilom ang sugat at patuloy pa ring lumalaban.

Para naman doon sa mga nagbasbas sa pamamagitan ng kani-kanilang panalangin, natapos na. Natapos na rin ang pang-aalipin ng isang agila.


E paano naman para sa bagong henerasyon?

Eto. Hati.


May mga kabataang sumasaludo sa kabayanihan ng mga nagpursige na mawakasan ang diktatura ni Marcos at nagsisilbing inspirasyon ang mga ito para sa pakikipaglaban tungo sa demokrasya.

May mga kabataang tila bahagi na lamang ng kasaysayan ang kaganapan noong Marcos Regime at mas nagbibigay na lamang ng importansya sa ibang mga bagay na walang kinalaman dito.

At mayroon namang mga kabataang nagbubulag-bulagan sa mga pangyayari sa ating bayan at nakikisunod na lamang sa agos ng makamundong buhay.


Ikaw sino ka sa mga kabataang ito?


Tatlumpu't apat na taon na pakikipaglaban.

Tatlumpu't apat na taong pakikibaka.


The legend lives on, ika nga.

No hay comentarios: