miércoles, septiembre 20, 2006

ang naidudulot ng lumilipad na diwa. (and all that wet, wet, WET thang!)

Oo. Ka-stress nga 'tong mga nagdaang araw. Syempre, malapit na naman ang finals... kaya ngaragan na naman ang lahat. Including me. Ayun.

At ang naiidudulot ng diwang naglalakbay?

Tapilok in front of the madlang people.

Last Monday. I was about to go home cuz I still have a lot of school works to finish, (galing akong library nun..) then, when I passed by Concepcion St., wAlaAh!! Tapilok ang lolah nyo. (Samahan nyo pa ng halimuyak ng calamares)

Kakahiya nga eh!

Pero syempre, pinairal pa rin ang POISE ng lolah niyo (lalo pa't wala akong kasama) at dumerecho ng lakad.

Pero sa diwa ko... "Arrrrruuuy... ang sakit ng heels ko! At yung makinis kong legs. Nagasgas na!!!" (ang kapal naman ng mukha ko! hehe.)

Tapos. Syempre sumakay na ako ng jeep pauwi.

Tapos. Nung malapit na ako sa amin,

w0o0o0o0o0ohHhSsSshHhHhHh............

Humagulgol na naman si Bathala.

At syempre, ang mabait na bata, hindi nagdadala ng payong. Kaya...

Pag-uwi ng bahay, basang sisiw. b0w.

Tuesday. Uhm... Ala namang masyado. Pero syempre, hindi pa rin mawawala ang ka-STRESH na araw dahil ngaragan pa sa pagrereview ng lessons dahil quiz sa History. Kainis nga eh! Bakit pa kasi nagtiyaga pa akong maghintay diyan sa lintak na kurtina na yan eh! (Well, hindi naman ako makatanggi ke tito/tita/lolah Ferdie kaya ala ding nagawa..) Ayan tuloy. Hindi nakacatch-up sa lessons. Kaya ang resulta:

Lagapak. Bagsak. Kawawa.

Juice ko naman kasi, babagasak na nga lang, dun pa sa naturingang "fave" subject.

Oh well, quiz lang naman yun. Pero nakakadisappoint lang. Haaay.

Wednesday. As in today. Ayun, same old day na hindi gaano. Accreditation week eh! Kaya todo pa-impress... este, preparations ang madlang AB para sa mga accreditors na hindi mo naman maitindihan kung saang lupalop ng kagubatan ng eskuwelahan nanggaling. Ika nga ni Dr. Vasco, "ba't pa iaaccredite ang USTE, e hindi naman tayo nalalyo sa UP?" Hmmm... :o

Ayun. Pa-good shot.

Kakatawa nga sa Natsci kanina eh!

Syempre pa-impress, ika nga. Kaya pa-impress din naman ang pa-cute naming propesor. (wag niyo kong isusumbong ha!? chu-chu ko lang 'yun. hehe.) Yung tipo ba na halos pumutok na yung BIG belly (take note: BUDDHA) niya sa sobrang (nga ba?) kaba. Hindi mo maintindihan kung anong spiritung ewan ang sumapi sa kanya. Pero 'di rin naman nagtagal yung accreditor. Paglabas niya, para lang naman kaming mga bata na nakalusot sa palusot sa mga magulang... lalo na siya. (I think). Pero in fairness ha!? gusto ko yung background music nung isa niyang presentation (the first one).


Ayun.



GRABE. Luwa na talaga eyebags ko. Bakit kaya sa tuwing dumadaan ang finals eh nagkakanda-ngaragan na ang lahat? Including me.


Survival? Probably.


Suicidal? For me, DEFINITELY.


Dahil pag nagpabaya pa ako, ala na. Bye bye sayonara USTe na ako.

Kawawa naman ako. Baka pulutin na lang ako sa kangkungan.

(Hindi ako nagseself-pity hah?! Hehe.)




















Ala lang. Nagchika lang. Nonsense.

No hay comentarios: