viernes, agosto 25, 2006

Pagmulat sa Kahayupan ng Lipunan

Pulitika, ekonomiya, atbp. Kailangan nga bang makialam pa?

Marahil sa isang kabataang katulad ko ay isnab lamang ang karaniwang maisasagot. "Masyado pang maaga para problemahin ko ang mga bagay na 'yan. At isa pa, marami pang 'mas' importanteng bagay ang dapat pagtuunan ng pansin kaysa dyan. Problema na ng mga matatanda 'yan."

Siguro ay tama ka, siguro ay mali ka.

Maiksi lang ang panahon, ika nga. Kaya hangga't nabubuhay ka, isipin mo na ang dapat isipin, gawin mo na ang dapat gawin. Dahil baka isang araw, paggising mo, wala ka na sa mundong kinatatayuan mo.

Bilang isang mamamayan, karapatan mo rin ang isiwalat ang mga opinyon mo sa buhay. Ikatuwa man, ikagalit, ikalungkot, ikasaya, ikagulat -- malaya ang sinuman na ipadama ang tunay na nararamdaman -- maganda man o pangit ang nilalaman.

Alam kong alam ninyo na nadarama ng bawat isa ang nakakalugmok na estado ng ating bayan sa kasalukuyan. Nakakalungkot mang isipin, pilit nating itinitikom ang ating mga bibig at tinatakpan ang ating mga tenga't mata. Gustuhin mang nating magsalita e pinipili na lamang nating mambalewala dahil alam natin na hindi lang tayo pakikinggan ng mga kaluluwang ayaw makinig sa hinaing ng bawat isa.

Tama ba? Sapul ka noh?!

Para sa akin, ito na marahil ang panahon para maisiwalat ko sa bawat isa na bilang isang mamamayan, obligasyon ko na ipamulat sa kanila (o sa inyo) ang kahayupang nagyayari sa lipunan.

Kanya-kanyang gimik, kanya-kanyang diskarte. Ano... kakasa ka ba?

No hay comentarios: