miércoles, octubre 18, 2006

Suspencion Orders of Local Mayors: Political Harrassment?

MARTES, ika-17 ng Oktubre. Naglabas ang DILG ng 60-day suspencion order laban kay Makati Mayor Jejomar Binay, Vice-Mayor Ernesto Mercado at 17 pang konsehal ukol sa umano'y "ghost employees" ng pamahalaan ng Makati. Pinabulaanan naman ito na kampo ni Binay.

Aniya'y isa na naman itong panggigiit ng administrasyong Arroyo sa mga miyembro ng oposisyon. Paliwanag naman ng Malacañang, dumaan ang pagsususpinde sa due process of law at iginiit na walang bahid-pulitika ang pangyayaring ito.

Nagkaroon ng matinding tensyon sa lungsod ng Makati dahil na rin sa pagtanggi ni Binay at mga kasama na bumaba sa pwesto. Kaya't wala na lamang nagawa ang pansamantalang pinuno ng Makati na si DILG-NCR Director Rodolfo Feraren kundi ang umupo sa lumang city hall nito.

Nagpakita naman ng suporta ang mga kaalyado ni Binay sa oposisyon sa pagbisita nina Dating Pangulo Corazon Aquino, Gng. Susan Roces, San Juan Mayor JV Ejercito, Dating Bise-Presidente Teofisto Guingona, Dating Senador Kit Tatad, atbp.

Kapuna-puna ang pagsuot ng uniporme ng marino ni Binay bilang pagpapakita na rin ng paglaban sa kanyang karapatan. Ngunit naghayag naman ang pamunuan AFP na maaaring makasuhan ang nabanggit na alkalde sa 'di tamang pagsuot nito ng uniporme ng militar.

Iginiit ng kampo ni Binay na isa na namang itong political harrassment upang pabagsakin umano ang oposisyon. Bwelta naman ng administrasyon, walang harrassment na nagaganap sa mga pangyayaring ito. Ang pagmamalaki pa nila, nauna nang sinuspinde ang mga alkalde ng Baguio, Sta. Rosa, Laguna, atbp. na kasapi rin ng administrasyon.

Nauna rito ang pagsuspinde kay Pasay Mayor Peewee Trinidad noong isang buwan sa diumano'y iligal na pagpirma nito sa isang kontrata at mga isyung basura.

Tila sunud-sunod na ang mga suspencion orders laban sa mga alkalde. At ang susunod sa pila: Caloocan Mayor Recom Echiverri.










Politika. Karahasan. Saan ka nga ba lulugar? Haay.








for more information, log on to:

http://www.inq7.net

2 comentarios:

Anónimo dijo...

hindi ako political-minded dahil tuwing nakikinig ako ng balita, parang walang makabuluhang ibig sabihin ang ibinabalita sa akin.

alam kong maling pag-tingin iyon sa pangyayari sa lipunan ngayon, pero mas nanaisin ko pa na maging bulag at ignorante kaysa pahirapan ang sarili ko na makielam pero wala rin naman akong magawa.

nakakalungkot. bakit kailangan nilang pagdiskitahan ang paborito naming mayor. alam naming lahat na nangungurakot si Binay, pero hindi niya pinababayaan ang lungsod, maraming benepisyo at paaralan. hindi katulad ng ibang opisyal na nagpapakapal na nga ng bulsa, animo siga pa kung makaasta wala namang ginagawa. nagpapalapad lang ng papel sa harap ng media at humahalik sa paa ng nakakataas.

pwe.

Anónimo dijo...

hindi ako pulitikal mag-isip, at masasabi kong wala akong masyadong pakielam sa mga bali-balita ngayon. dahil tuwing nanunood ako ng balita, tila walang kabuluhan ang naririnig ko. masasabi nating isa ako sa maraming tao na piniling maging bulag at ignorante sa mga dapat kong nalalaman. mas nanaisin ko pang manatuli sa ideyal kong mundo kaysa makisawsaw sa mga bagay-bagay na pinipilit ko lang. magsalita man ako, wala rin namang mangyayari. hindi ko rin nababago ang mundo.

bakit kailangan usugin si Binay? ano bang balak nila sa magaling naming mayor. alam lahat ng taga-Makati na nangungurakot si Binay, pero hindi niya naman pinapabayaan ang lungsod. maraming benepisyo, paaral at pati patay mismong siya ang pumupunta. may pinatutunguhan ang makati. Di tulad ng ibang opisyal na nagpapalapad nalang ng bulsa, animo siga pa kung umasta, wala namang ginagawa para sa balwarte niya. kala mo anghel sa harap ng media, pero halik lang ng halik sa paa ng nakatataas. hugas kamay naman sa mga bintang.

tae. mga hudas sila.