Oo. Sa kabila ng lahat ng efforts ng gobyerno upang mapalago ang ating ekonomiya, e tila lalo lang lumalala ang sitwasyon nito.
Ang dahilan: ang GARAPAL na kurapsyon ng mga ganid na pulitiko.
Dada sila ng dada na maki-isa ang bawat mamamayan para sa ikauunlad ng ating bansa, eh sila naman itong walang habas na dumadakma sa kayamanan ng bayan.
Wala rin naman sigurong saysay ang ginagawang "pagpupursige" ng ating mahal na pangulo kung SIYA (kung di man, yung magaling niyang asawa) mismo ang humahakot ng pinaghirapan ng mga Pilipino.
Base sa survey, bumaba sa 37.4% nitong 2005 mula sa 50.5% noong 1998 ang ranggo (tama ba word ko?) ng Pilipinas sa kampanya ng gobyerno laban sa kurapsyon.
Isang mensahe:
Kung mangangampanya kayo laban sa kurapsyon dito sa Pilipinas, maigi-igi siguro na TUMINGIN MUNA KAYO SA MGA SARILI NINYONG SALAMIN bago pa kayo magdada ng magdada dyan. Isipin niyo naman ang bawat Pilipinong halos mamatay na sa gutom sa SOBRANG kahirapan na nagaganap ngayon dito sa ating bayan.
Makonsensya naman kayo!
Hahahahaha!
Kaawa-awang Pilipinas.
Lumulubog na.
(Pero wag mawalan ng pag-asa! Makakabangon pa tayo.)
(Di nga lang sa henerasyon na 'to.)
Tsk... tsk... tsk.
[but in fairness, mrs. president does well in some economic aspects. no wonder that she's an economist. on the contrary, she overjoys her role being the "mother of the state". too bad.] *_*
[bago tumaASS yung presyon ng dugo niyo, maghulus-dili (tama ba?) muna kayo. hindi ako ganoong katanga para hindi ko malaman ang katamaran ng mga iba nating kababayan kaya hindi umuunlad. ang punto ko dito, dahil na rin sa ipinapakita ng ibang namumuno sa ating gobyerno e tila nawawalan na ng pag-asa ang ibang mamamayan upang makapagsimulang bumangon. at isa pa, hindi ko naman nilalahat eh! think about it. bottomline is, OPINYON KO LANG ITO. get it?] *chill* ;p
lunes, septiembre 18, 2006
Suscribirse a:
Enviar comentarios (Atom)
1 comentario:
hmmmm
Publicar un comentario