jueves, octubre 26, 2006

by believing in the power of prayer. . .

Ahahahaha. . .

At SUPER sulit naman at luha, pawis, at pag-eefort ko sa English dahil. . .

1.75 lang naman ang grade ko.

[Hmmn... pwede na rin, kesa naman ma-singko.]



Grabe, ang bait bait talaga ni LORD!



woh0o!!! ^_^

miércoles, octubre 18, 2006

Suspencion Orders of Local Mayors: Political Harrassment?

MARTES, ika-17 ng Oktubre. Naglabas ang DILG ng 60-day suspencion order laban kay Makati Mayor Jejomar Binay, Vice-Mayor Ernesto Mercado at 17 pang konsehal ukol sa umano'y "ghost employees" ng pamahalaan ng Makati. Pinabulaanan naman ito na kampo ni Binay.

Aniya'y isa na naman itong panggigiit ng administrasyong Arroyo sa mga miyembro ng oposisyon. Paliwanag naman ng Malacañang, dumaan ang pagsususpinde sa due process of law at iginiit na walang bahid-pulitika ang pangyayaring ito.

Nagkaroon ng matinding tensyon sa lungsod ng Makati dahil na rin sa pagtanggi ni Binay at mga kasama na bumaba sa pwesto. Kaya't wala na lamang nagawa ang pansamantalang pinuno ng Makati na si DILG-NCR Director Rodolfo Feraren kundi ang umupo sa lumang city hall nito.

Nagpakita naman ng suporta ang mga kaalyado ni Binay sa oposisyon sa pagbisita nina Dating Pangulo Corazon Aquino, Gng. Susan Roces, San Juan Mayor JV Ejercito, Dating Bise-Presidente Teofisto Guingona, Dating Senador Kit Tatad, atbp.

Kapuna-puna ang pagsuot ng uniporme ng marino ni Binay bilang pagpapakita na rin ng paglaban sa kanyang karapatan. Ngunit naghayag naman ang pamunuan AFP na maaaring makasuhan ang nabanggit na alkalde sa 'di tamang pagsuot nito ng uniporme ng militar.

Iginiit ng kampo ni Binay na isa na namang itong political harrassment upang pabagsakin umano ang oposisyon. Bwelta naman ng administrasyon, walang harrassment na nagaganap sa mga pangyayaring ito. Ang pagmamalaki pa nila, nauna nang sinuspinde ang mga alkalde ng Baguio, Sta. Rosa, Laguna, atbp. na kasapi rin ng administrasyon.

Nauna rito ang pagsuspinde kay Pasay Mayor Peewee Trinidad noong isang buwan sa diumano'y iligal na pagpirma nito sa isang kontrata at mga isyung basura.

Tila sunud-sunod na ang mga suspencion orders laban sa mga alkalde. At ang susunod sa pila: Caloocan Mayor Recom Echiverri.










Politika. Karahasan. Saan ka nga ba lulugar? Haay.








for more information, log on to:

http://www.inq7.net

domingo, octubre 15, 2006

i (almost) got it!

Ayun. At nahatulan na nga ang madlang 2nd year kahapon sa English 102 namin. May mga pinalad, may mga hindi pinalad. At mayroon din namang mga alanganin.


Isa na ako doon.


KAHAPON. Ngaragan na nga ang lahat para sa pagpapasa ng final output sa Expository Writing. Syempre, hindi maiiwasan ang puyatan, pressure, and everything. Lalo pa't karamihan sa mga estudyante e hindi pa naaayos ang kani-kanilang mga paper. Sa kaso ko, talagang nahirapan pa ako dahil bukod sa ang hirap-hirap na nung crinitique ng content-area specialist ko (aba! mantakin mong ATENISTA pala ang loko!), e akalain mo ba namang hindi pa grineydan yung paper ko. Ewan ko ba at kung ano ang pumasok sa kukote niya para hindi niya greydan ung gawa ko. O hindi naman kaya ako ang may sala?! Ang culprit? Ewan ko.

Anyways, anyhows, anywhys, ayun na nga. Ni-rush ko na talaga yung paper ko (together with Sarrah na nagngangangawa na sa tensyon) para lang matapos na rin ang mga paghihirap na aking nadarama sa mga oras na iyon (naks, ang corni na, ang drama pa! hehe.). Ni hindi ko na nga rin idinagdag masyado yung mga pinaglalalagay ni atf, dahil alam kong gagahulin lang ako sa oras. Ayun.

After minutes of waiting...

The final verdict has arrived.

At ang resulta: tense. Sobrang tense.

As in kulang na lang e magsasasayaw ako na para bang si Sisa sa sobrang (as in sobra! swear!) tensyon at pressure.

Tapos, muntikan pang mawala ang minimithi kong mp3 player. Syempre, mega kaba naman ang lolah niyo. Buti na lang at mabait si ate (di ko alam ang neym) ng photoprints at ibinalik naman ng matiwasay ang aking minithing mp3 player. Thank's ate (di ko alam ang neym)! :)

[hindi naman ako nagpa-plug noh!?]


Aba't mantakin mong dinekwat pa pala ni LEO MARVIN BALANTE ang letter to the publisher ko kaya halos mamatay na ako sa nerbyos dahil natataranta na talaga ako! Kaya ayun, nagpaprint na lang uli ako para matapos na ang lahat ng pagdedelubyo ko.

Kaya't nung turn ko na ng magpasa ng requirements,...

"Im sorry, but I WILL NOT ACCEPT your paper UNLESS you give me the contact number of your critic."

(syempre hindi yan yung exact words, pero ganyan yung manner of approach niya sa akin.)

Anong epekto sa akin? CRY. MEGA CRY. as in DRAMA MODE.

Wala e. Hindi ko rin napigilan. Kasi nga natetense na ako masyado nyan. (Ang kulit naman eh. hehe. ;p)

PERO... (to make this long story short...) Naayos din naman ang lahat at naipasa ko din naman yung requirements ko ng mahinusay.

KAya't SALAMAT kina...

*K-Ann Domingo (para sa libreng tawag ke tita ko)
*Sarrah Andaya
*Sharyn Placido
*Tina Libiran (ikaw pala yung nag-hug sakin. awww... ang sweat!)
*Carol Lumba
*BJ Villafuerte
*Hans Lising
...(para sa mga pag-aalala ninyo. na-tats ako ng sobra) ^_^



Ayun.

Kung inaakala ninyo na natapos na dun ang lahat, aba'y nagkakamali ka dun, tsong.

Pero syempre, hindi ko na idedetalye yun.



Eto na lang....

[Salamat ke Mr. KEVIN ANTHONY S. DUMPIT para sa libreng lunch. In fairness ha, nabusog ako dun.]



But most of all, everything is impossible if it's not for Papa God for His never-ending love, patience, guidance and protection.


I praise You!


And thank you.

Ayun.
















Sa wakas, SEM BREAK NA! w-0-h-0-o !!!!!!



SLEEP... SLEEP... SLEEP.


^_^

viernes, octubre 13, 2006

the aftermath of the 'nosebleeding syndrome'

blood's dripping all over your body -- bleeding nose, bleeding ears, bleeding tears, bleeding minds ... and all that.


finally...


after months of hardwork, stress, tension, sleepless nights... 1st semester is FINALLY over.

in fairness ha, kulang na lang maglupasay ako sa kalsada sa sobrang tuwa.




aba't mantakin ba naman kasi ng kagalang-galang at kaaya-ayang minimithing (yuck, ang corni) fakultad ng sining at panitik na tadtarin kami ng trabaho?

projects,
paper works,
reports,
research, (grrr!)
...and everything.

at sabayan mo pa ng napakagandang pampagana: ang sunud-sunod na quizzes, tests, ang all that.


(eh kung hindi ka ba naman magkanda-arriba dyan sa labas, e ewan ko na lang.)


at ang final exams... w0h0o! pamatay.


oh sige, sabihin na nating 5 (but it's supposed to be 4) lang ang inexam namin,

pero juice ko pong pineapple... nakakadugo naman ng utak. (take note: hindi lang ng ilong, a?)


anyways, anyhows, anywhys, let's just thank Papa God for not letting us suffer from the realms of madness. (if you know what i mean)


at may pahabol pa pala...

mantakin mong hindi pa pala tapos ang academic paper namin sa English?!

[aba sir, abusado ka na ha! sinuswerte ka ata... (nyaknyak.. joke lang po. :D)]


oo. bukas pa kasi ang final verdict namin.

oo. bukas pa malalaman kung sa langit o sa impyerno kami mapupunta.

(at shanawa.)



haay... at least, kahit papano, makakapagpahinga na rin ako.


e juice ko naman, gusto ko naman mabawi 'tong eyebags ko noh!?

para looking good ulit sa debo0t ko.

(hehe, walang papalag! ang pumalag PANGET! hehe.)


ayun.





i'm starting to recover from the remains of harshness.





2nd semester.

here we come......




[harinawang makasurvive ako 'tong sem na 'to.]


[*oh no, not i, I WILL SURVIVE...*]





ala lang.

jueves, octubre 05, 2006

Same Old Banana.

haay...

same old banana.

pare-pareho na lang ang mga kaguluhan sa politika at sa gobyerno natin.

minsan, parang nakakasawa na rin ang magsalita.

(hindi naman ako nawawalan ng pag-asa ha?!)

gusto ko lang munang magpahinga.

haaayy......





*_*