2nd Impeachment Complaint
Kagabi lamang ay napagdesisyunan na ng Kongreso ang ukol sa 2nd impeachment complaint na inihain ng mga kritiko ni PGMA. Samu't saring diskusyon, argumento -- na nahantong (nga) sa pagbabasura nito. Maraming natuwa, maraming napika. Kesyo wala daw sapat na batayan, kesyo pagaaksayahan lang daw ng panahon...
Ang tanong... bakit pinagpipilit na ibasura ang complaint kung wala naman talagang itinatago? mayroon bang dapat na malaman na pinipilit na hindi malaman? Karapatan ng bawat isa ang MALAMAN ang katotohanan. Kung wala naman talagang kasalanan, bakit isinasantabi ang natatanging paraan upang mapawalang-sala ang walang kasalanan at maparusahan ang tunay na may kasalanan. Hmmm... there's something fishy going on here...
Tuluyan na nga (marahil) na nailibing ang HUSTISYA at KATOTOHANAN.
Condolence.
tsk... tsk... tsk.
Ninoy Aquino Assassination
23 taon na nga ang nagdaan mula ng mapaslang ang itinuturing "bayani" na si Benigno "Ninoy" Aquino. At sa lumipas na 23 taon ay hindi pa rin nareresolba ang kaso. Maraming mga teorya ang nagsipaglabasan, ngunit nakakalungkot isipin na wala pa sa mga teoryang ito ang lumalabas na totoo. E paano nga ba masosolusyunan ang kasong ito kung ang mga tao mismo sa likod nito ay nagbabalat-kayo na makipagtulungan sa ikareresolba ng kaso?
Hmmm. . . misteryoso ba kamo? Ewan ko...
tsk... tsk... tsk.
viernes, agosto 25, 2006
Suscribirse a:
Enviar comentarios (Atom)
No hay comentarios:
Publicar un comentario