Bahay - Gary Granada
Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan
Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira
Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong
Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Ay bahay
Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata
Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam
Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito
Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito
Ay bahay
Maghapo't magdamag silang kakayod, kakahig
Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay
Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw
Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha
Ay bahay
...ang mga mayayaman, nagpapakasarap.
...ang mga mahihirap, nagpapakahirap.
...may mga mata, ngunit nagpapakabulag.
...may mga tenga, ngunit nagpapakabingi sa mga habag.
...sa hirap ng buhay, dumarami ang nawawalan ng pag-asa.
...ang Makapangyarihan sa lahat, pinagbubuntungan ng pag-suya
...nawa laging masagi sa ating mga isipan,
...na anu't ano pa man,
...ang Dios, hindi natutulog
...hindi nagpapakabulag,
...hindi nagpapakabingi sa mga habag.
...MAGTIWALA LANG TAYO SA KANYA. :)
sábado, agosto 26, 2006
viernes, agosto 25, 2006
Hustisya. . . Namamatay na nga ba?
2nd Impeachment Complaint
Kagabi lamang ay napagdesisyunan na ng Kongreso ang ukol sa 2nd impeachment complaint na inihain ng mga kritiko ni PGMA. Samu't saring diskusyon, argumento -- na nahantong (nga) sa pagbabasura nito. Maraming natuwa, maraming napika. Kesyo wala daw sapat na batayan, kesyo pagaaksayahan lang daw ng panahon...
Ang tanong... bakit pinagpipilit na ibasura ang complaint kung wala naman talagang itinatago? mayroon bang dapat na malaman na pinipilit na hindi malaman? Karapatan ng bawat isa ang MALAMAN ang katotohanan. Kung wala naman talagang kasalanan, bakit isinasantabi ang natatanging paraan upang mapawalang-sala ang walang kasalanan at maparusahan ang tunay na may kasalanan. Hmmm... there's something fishy going on here...
Tuluyan na nga (marahil) na nailibing ang HUSTISYA at KATOTOHANAN.
Condolence.
tsk... tsk... tsk.
Ninoy Aquino Assassination
23 taon na nga ang nagdaan mula ng mapaslang ang itinuturing "bayani" na si Benigno "Ninoy" Aquino. At sa lumipas na 23 taon ay hindi pa rin nareresolba ang kaso. Maraming mga teorya ang nagsipaglabasan, ngunit nakakalungkot isipin na wala pa sa mga teoryang ito ang lumalabas na totoo. E paano nga ba masosolusyunan ang kasong ito kung ang mga tao mismo sa likod nito ay nagbabalat-kayo na makipagtulungan sa ikareresolba ng kaso?
Hmmm. . . misteryoso ba kamo? Ewan ko...

Pagmulat sa Kahayupan ng Lipunan
Pulitika, ekonomiya, atbp. Kailangan nga bang makialam pa?
Marahil sa isang kabataang katulad ko ay isnab lamang ang karaniwang maisasagot. "Masyado pang maaga para problemahin ko ang mga bagay na 'yan. At isa pa, marami pang 'mas' importanteng bagay ang dapat pagtuunan ng pansin kaysa dyan. Problema na ng mga matatanda 'yan."
Siguro ay tama ka, siguro ay mali ka.
Maiksi lang ang panahon, ika nga. Kaya hangga't nabubuhay ka, isipin mo na ang dapat isipin, gawin mo na ang dapat gawin. Dahil baka isang araw, paggising mo, wala ka na sa mundong kinatatayuan mo.
Bilang isang mamamayan, karapatan mo rin ang isiwalat ang mga opinyon mo sa buhay. Ikatuwa man, ikagalit, ikalungkot, ikasaya, ikagulat -- malaya ang sinuman na ipadama ang tunay na nararamdaman -- maganda man o pangit ang nilalaman.
Alam kong alam ninyo na nadarama ng bawat isa ang nakakalugmok na estado ng ating bayan sa kasalukuyan. Nakakalungkot mang isipin, pilit nating itinitikom ang ating mga bibig at tinatakpan ang ating mga tenga't mata. Gustuhin mang nating magsalita e pinipili na lamang nating mambalewala dahil alam natin na hindi lang tayo pakikinggan ng mga kaluluwang ayaw makinig sa hinaing ng bawat isa.
Tama ba? Sapul ka noh?!
Para sa akin, ito na marahil ang panahon para maisiwalat ko sa bawat isa na bilang isang mamamayan, obligasyon ko na ipamulat sa kanila (o sa inyo) ang kahayupang nagyayari sa lipunan.
Kanya-kanyang gimik, kanya-kanyang diskarte. Ano... kakasa ka ba?

Suscribirse a:
Entradas (Atom)